RSS

BAC^k ISSUES – Panimula

09 Aug

Ang Bids and Awards Committee o higit na kilala bilang BAC sa bawat ahensya ng gobyerno ay isang komite ng mga lubos na pinagkakatiwalaan at pinagkakapitaganang mga kawani para itaguyod ang Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act. Ang mga kasapi nito ang siyang nag-aanunsyo, natanggap ng proposals, nagsusuri, at nagrerekomenda ng karapat-dapat na kumpanya o sektor na panggagalingan ng lahat ng bagay man o serbisyo na kasama sa pangangailangan ng isang ahensya. Sa madaling salita, ang BAC ang inatasang maging mamimili o buyer. Ang mga bidder ang nagsisilbing mga tindahan o mga mangangalakal na nagnanais makabenta at makipag-negosyo sa gobyerno. Simpleng transaksyon ng pagbili at pagbenta pero masalimuot kapag ginanap sa bakuran ng pamahalaan.

Sa mahabang panahon, pinag-aralang mabuti ng ating mga mambabatas kung paano mababawasan, kung hindi man matanggal, ang corruption sa pakikipag-kalakal ng pamahalaan sa pribadong sektor. Lima ang pangunahing prinsipyo ng batas na ito:

  1. Transparency – isa sa pinakamahalaga ang pagiging “transparent” o pagiging bukas sa paningin at pagsusuri ng lahat ang transaksyon na may kinalaman sa paggasta sa kaban ng bayan;
  1. Competitiveness – dahil sa mas maraming nakakaalam ng pangangailangan ng pamahalaan, maraming sektor ang mas maeengganyong sumali sa procurement at mas inaasahang bababa ang halaga ng gagastahin ng gobyerno dahil sa kompetisyon;
  1. Streamlined Procurement – ito ay ang pagsabay ng pamahalaan sa makabagong panahon at paggamit ng teknolohiya tulad ng internet na mag magpapadali at mas magpapa-epektibo sa sistema;
  1. Accountability – binigyang diin ang pagkilala sa tungkulin ng bawat isa sa lahat ng bahagi ng procurement at mas pinaigting ang kaukulang parusa sa mga susuway dito;
  1. Public Monitoring – bukod sa pagpili ng karapdapat na bidder, madali rin subaybayan ang pag-award ng kontrata at pagpapatupad nito naaayon sa mga specifications at sa alituntunin ng batas;

Ang nabanggit sa itaas ay halaw sa Section 3 ng Revised IRR ng RA.9184 na inaprubahan noong nakaraang July 22, 2009. Sa mga susunod na talakayan, ating bubuksan ang mga usapin sa saklaw ng batas na ito, mga bumubuo at tungkulin ng BAC, ang proseso ng public bidding, at marami pang iba.

 
Leave a comment

Posted by on August 9, 2012 in BAC^k Issues

 

Tags: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: