RSS

BAC^k Issues – Ang Dahilan

11 Aug

“Bakit nga ba BAC^k ISSUES?”

Marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit BAC ISSUES, at ngayon nga ay BACk ISSUES naman. Sa totoo lang, ang konsepto ng back issues ang siyang pinagmulan ng lahat. Hindi ba’t minsan tayo ay bumibili ng mga magazine o babasahin na naka-sale sa mas murang halaga na tinatawag nating back issue? Medyo luma nga lang ang mga ito pero ganun pa rin ang kanilang nilalaman. Ginamit ang konseptong ito sa katunog na BAC para i-akma sa ating talakayan. Tulad ng mga back issues ng magazine, maraming lumang usapin ang pinagtatalunan pa rin hanggang sa kasalukuyan at marami sa batas noon ay batas pa ring sinusunod ngayon – maliban sa  ilang mga susog. Madalas, naririnig natin “…uy, bago ‘yang batas na ‘yan ah, meron bang bagong ruling?”. Subalit ang totoo, ‘yun ay batas na noon pa mang simula – hindi lang marahil nabasa o naisakatuparan nang maayos.

Ang “Alamat” ng RA.9184

Pinasinayaan ang Republic Act 9184 (RA.9184) o ang Government Procuerment Reform Act (GPRA) noong ika-26 ng Enero taong 2003. Tinawag itong “reform” dahil sa paglalayong maisaayos, mapabuti, at maitama ang ilang bahagi nang watak-watak na batas sa gugulin ng pamahalaan. Sa madaling salita, pag-iisahin o pagsasamasamahin nang batas na ito ang lahat ng naunang batas upang maging pare-pareho ang pamamaraan ng transaksyon sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Mula nang lumabas at naisabatas ang GPRA, maraming pagsususog ang naisagawa upang higit na mapabuti at maisaaayos ang sistema. Ang unang bersyon ng Implementing Rules and Regulations ay hinati sa dalawa: ang IRR-A para sa Domestically Funded Procurements o kalakalang lokal at IRR-B para sa International/Foreign Funded Procurements o kalakalang maaaring lahukan ng iba’t-ibang bansa. Sa mahabang panahon nanatili at hindi naisakatuparanang IRR-B dahil sa napakaraming isyu na dapat pagkaisahan at pagkasunduan ng kasalukuyan pamamaraan ng ibang bansa, kasama na ang paraan ng transaksyon sa International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB).

Kamakailan lamang, ang napakatagal na pagbuo ng IRR ay napagkasunduan sa wakas na maging isa na lamang. Matapos ang mahabang paghihintay, ang Revised IRR ay pinasinayaan noong ika-22 ng Hulyo 2009. Wala nang IRR-A at IRR-B kung hindi isang IRR na lamang. Layon nang bagong IRR na ito na bigyan ng pagkakataon ang higit na maraming mangangalakal sa loob at labas ng bansa upang makasali maging sa international competitive bidding.

* * *

Para saan daw ho ba ‘yung caret sa isiningit na titik “k” sa salitang BAC^k? Marami kasi ang nagdududa kung mayroon ba talagang “k” ang may-akda. Tama kayo, ‘yung “k” ay idinagdag lamang matapos malamang meron nga pala (hahaha!).

 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2012 in BAC^k Issues

 

Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: