RSS

Annual Procurement Plan (Part 1 of 4)

17 Aug

Subukan natin namang himayin ngayon ang pagpa-plano ng budget ng isang ahensya ng pamahalaan. Para sa kapakinabangan ng higit na nakakaraming mambabasa, ang mga halimbawang babanggitin natin ay naaayon sa guidelines ng pamahalaang lokal o iyung nasa mga Local Government Units (LGUs), alinsunod na rin sa Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991. Ayon sa Rule II ng Revised IRR:

“Section 7.1. All procurement shall be within the approved budget of the procuring entity and should be meticulously and judiciously planned by the procuring entity. Consistent with government fiscal discipline measures, only those considered crucial to the efficient discharge of governmental functions shall be included in the Annual Procurement Plan (APP). For purposes of this IRR, a procurement project shall be considered crucial to the efficient discharge of governmental functions if it is required for the day-to-day operations or is in pursuit of the principal mandate of the procuring entity concerned…”

Ito ang isa sa pinakamahalagang probisyon ng RA.9184. Ayon sa nasabing seksyon, lahat ng gastusin ng pamahalaan ay dapat naaayon sa aprubadong budget ng ahensya. Samantala, ang aprubadong budget ay dapat nagdaan sa mabusisi at makatarungang proseso kung saan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtupad ng tungkulin at pagbigay ng serbisyo ang higit sa lahat ay dapat mangangibabaw. Dahil dito, dapat ay bumuo ang isang ahensya ng Annual Procurement Plan (APP) na magsisilbing master list o master plan ng lahat ng gagastusin ng gobyerno sa mula sa pagbili ng gamit, pagbayad ng mga serbisyo, hanggang pakikipag-kontrata ng pamahalaan.

“… The APP shall include provisions for foreseeable emergencies based on historical records. In the case of infrastructure projects, the APP shall consider the appropriate timing/phasing of related project activities, such as, engineering design and acquisition of right of way, to reduce/lower project costs.”

Bukod sa mga planong bilihin o kontrata ng gobyerno, kasama rin sa pagbuo ng APP ang mga posibleng gastusin na hindi maii-schedule basta-basta tulad ng mga posibleng pagkasira ng sasakyan o iba pang kagamitan o kasangkapan, maagang pagkaubos ng office supplies, mga gastusin sa pagdating ng kalamidad o sakuna, at iba pang biglaang paggasta upang maiwasan ang pagkawala ng buhay o pagkasira ng ari-arian base na rin sa mga historical records. Sa gawaing panlansangan, dapat ay naaayon sa tamang panahon ang implementasyon upang makuha ang pinakamababang presyo ng bilihin, at pinakamurang kontrata sa alinmang proyekto.

***

Tingnan natin ang isang katanungang binuksan at sinagot sa GPPB Online Forum:

Q: Since the Program Holders/End-Users has already indicated their Mode of Procurements (Competitive or Alternative) and consolidated by the BAC/BAC-Secretariat through the APP, does the APP need a BAC Resolution recommending the same to the HOPE?[engr.ruel]

A: The end-users indicate their preference for the mode of procurement in their PPMPs. 

It is, however, the responsibility of the BAC, through the BAC Secretariat, to consolidate the PPMPs to the APP. In the consolidated APP, the mode of procurement as recommended by the BAC, may no longer be the preferred mode by the end-user (for a number of reasons). The APP then has to be approved by the HOPE, upon recommendation by the BAC. The BAC recommendation has to be in the form of a BAC Resolution.

Therefore, the answer to your question, engr.ruel, is a definite YES. [RDV]

Source:http://gppb.topicsolutions.net/other-procurement-related-activities-f12/approval-of-the-ppmp-app-and-bac-resolution-t281.htm

Ano naman ang PPMP? Ano yung HOPE? Ano yung BAC? Nakakahilo na ba? Sasagutin natin ng paliwanag ang mga ito sa susunod na isyu.

 
Leave a comment

Posted by on August 17, 2012 in BAC^k Issues

 

Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: