RSS

Bids and Awards Committee (BAC) – Part 1 of 4

24 Aug

Tunghayan naman natin ang pagsusuri sa komposisyon ng BAC o Bids and Awards Committee. Sabi sa Sec.11.2 ng Revised IRR:

11.2.1. The Head of the Procuring Entity shall designate at least five (5) but not more than seven (7) members to the BAC of unquestionable integrity and procurement proficiency.

Sino naman ang Head of Procuring Entity o HOPE? Ayon sa Sec.5(t):

Head of the Procuring Entity. Refers to: (i) the head of the agency or body, or his duly authorized official, for NGAs and the constitutional commissions or offices, and branches of government; (ii) the governing board or its duly authorized official, for GOCCs, GFIs and SUCs; or (iii) the local chief executive, for LGUs: Provided, however, That in an agency, department, or office where the procurement is decentralized, the head of each decentralized unit shall be considered as the Head of the Procuring Entity, subject to the limitations and authority delegated by the head of the agency, department, or office.

Sa pamahalaang lokal o LGU, ang HOPE ay tumutukoy sa:

  1. Gobernador – para sa mga probinsya;
  2. Mayor – para sa bayan at lunsod; at
  3. Barangay Chairman o Punong Barangay – para sa mga barangay

Samakatwid, ang HOPE ng isang ahensya ng pamahalaan ang magluluklok sa mga magiging miyembro ng BAC. Kung sino-sino ang pwede sa LGU na mapa-pwesto sa BAC, tingnan natin sa Sec.11.2.3:

The BAC for Local Government Units shall be composed of the following:

a)      One representative each from the regular offices under the Office of the Local Chief Executive such as, but not limited to, the following: Office of the Administrator, Budget Office, Legal Office, Engineering Office, General Services Offices; and

b)      A representative from the end user unit.

The members shall elect among themselves who shall act as the Chairman and Vice Chairman. The Chairman of the BAC shall be at least a third ranking permanent official of the procuring entity. The members of the BAC shall be personnel occupying plantilla positions of the procuring entity concerned.

***

Tanong: Ang isa bang ordinaryong kawani ng gobyerno na nasa plantilya at kabilang sa mga opisinang nabanggit ay maaaring umupo sa BAC?

Sagot:

Opo. Walang sinasabi ang batas na pwesto o katungkulan ng kawani na maaaring maging BAC member. Kung may appointment ang isang kawani mula sa HOPE, maaari syang magsilbi bilang BAC member. Kaya lamang, hindi siya maaaring maupo bilang Chairman dahil may kaukulang ranking o posisyon ang maaari laman maging Chairman. Kailangan ay katumbas ng pangatlo sa pinakamatatas na posisyon ng ahensya. Sa pamahalaang bayan halimbawa, ang Mayor ang first ranking, kasunod ng Vice mayor bilang second ranking, at department heads bilang third ranking.  Maliban sa Chairman o katumbas na kahalili niya (pag-uusapan sa susunod na mga isyu), ang permanenteng posisyon ay sapat na upang maging kwalipikado sa BAC.

 
Leave a comment

Posted by on August 24, 2012 in BAC^k Issues

 

Tags: ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: