RSS

Ang BAC Secretariat (BAC-S) – Part 2 of 2

28 Aug

Ang komposisyon ng BAC Secretariat ay itinatalaga ng HOPE ayon sa diskusyon noong nakaraang lingo. Ibig sabihin, tulad ng BAC, ang Secretariat ay may hiwalay na tungkulin at pananagutan para sa kanilang limitadong kapangyarihan kahit pa sila ay nakatakdang gumanap sa mga pagsasakatuparan ng BAC.

14.2. The head of the Secretariat in central offices shall be at least a fifth ranking permanent employee or, if not available, a permanent official of the next lower rank; or shall be at least a third ranking permanent employee in bureaus, regional offices and sub-regional/ district offices, or if not available, a permanent employee of the next lower rank. In addition to integrity, heads of Procuring Entities shall consider procurement proficiency as a factor in designating the head of the Secretariat and Procurement Unit.

Tulad ng kwalipikasyon ng BAC, ang Head ng Secretariat ay marapat na mapagkakatiwalaan at may reputasyon at integridad na walang bahid ng corruption. Bukod sa katangiang ito, dapat isaalangalang ang sapat na kaalaman at kahusayan sa pagganap ng tungulin sa pagpapatupad ng procurement activities ang sinumang itatalaga dito.

14.3. To expedite the procurement process, the Head of the Procuring Entity shall ensure that the members of the BAC and TWG shall give utmost priority to BAC assignments over all other duties and responsibilities, until the requirements for the said assignments at hand are completed.

Bihirang mapagtuunan ang seksyong ito ng IRR. Marami kasi ang sumisilip at minsa’y naiinggit sa pagtutok ng BAC sa kanilang tungkulin na minsa’y higit sa kanilang orihinal na trabaho. Ang katotohanan: higit pa sa sapat na atensyon ang kailangan. Nauuunawaan ng batas na kailangan ito sa mga kritikal na transaksyon na may kinalaman sa BAC. Ito ay ipinaalala sa mga Mayor (HOPE) ng bawat bayan o lungsod. Kung mas napapadalas ang pagtupad ng BAC, Secretariat at TWG sa atas ng tungkulin, sa bidding at sa pagsasaayos ng papel nito, ito ay naayon lamang sa jury duty na itinakda ng batas na minsan na nating nabanggit sa nakaraang diskusyon.

Ang usapan na “tamBAC” ang trabaho sa BAC ay totoo. Hindi biro ang mabigayan ng katungkulang at dapat isang karangalan ang maging bahagi nito. Maliban na maranasan ng indibidwal na maging kasapi at masubaybayan ang probisyon ng RA.9184 sa pagtupad ng tungkulin, iisipin lamang ng karamihan na katanyagan lang dala ng maging kasapi nito. Sa iba, maaring isipin na extra income lang ito dahil sa honoraria na natatanggap ng mga kasapi. Maraming pwedeng impresyon. Subalit ang masakit dito, higit na nakakarami ang nag-iisip na bumabaha ang “biyaya” sa mga kasapi ng BAC, Secretariat at TWG kahit taliwas sa katotohanan. Kaya nga, laging dalawa ang mukha ng pagiging miyembro ng BAC – ang serbisyo na may dedikasyon at pagsasamantala sa pwesto. Subalit kung susundin lamang natin ang dalawang pangunahing kwalipikasyon sa pagtanggap ng kasapi:

UNQUESTIONABLE INTEGRITY and PROCUREMENT PROFICIENCY                                                           

Hindi lalatay o hahaplit man lang ang corruption kung masusunod lamang ang mga katangiang ito. Ang trabaho sa Secretariat ay isa sa pinakamabusising bahagi ng procurement. Dapat ay parehas kang nagtataglay ng bahagi ng katauhan ng maging isang BAC at TWG. Bahagi ng kaalaman ng BAC para sa kahandaan sa mga resolusyon at rekomendasyon sa mga pagdinig at bahagi ng kaalaman ng TWG para makita agad ang kakulangan o katumpakan sa mga dokumentong isinusumite o tinatanggap. Sa anumang sitwasyon, mananatili pa rin ang Secretariat na central channel o pangunahing tagapagsalita at tagapakinig ng lahat ng ahensya o grupo na may pangangailangan sa isa’t isa.

Ano ang Technical Working Group o TWG? Iyan naman ang ating pag-uusapan sa susunod na isyu.

***

Q: Is there a violation on choosing an OIC Accountant as BAC Secretary?[firstlady_5167]

A: I believe No. Although, there is no direct prohibition under R.A. 9184 and its IRR, Chief Accountants are discouraged from being BAC members to prevent any conflict of interest as contained in COA Circular 2003-004, dated July 2003. However if such OIC accountant has a supervisory functions only, then he/she can be a BAC member. IF NO CONFLICT OF INTEREST MAY ARISE FROM SUCH APPOINTMENT he/she can be a BAC Sec or member. [WormaixJr].

Source:http://gppb.topicsolutions.net/procurement-organizations-f23/bac-secretary-t565.htm

 
Leave a comment

Posted by on August 28, 2012 in BAC^k Issues

 

Tags: ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: