RSS

BAC Technical Working Group (BAC-TWG)

12 Sep

Isa sa mga kapangyarihan ng BAC ay ang pagtatalaga ng Technical Working Group o TWG na tutulong sa pagbusisi sa mga kwalipikasyon ng bidder at ng bid nila. Ang pagbuo nito ay sangayon sa Section12.1:

12.1. The BAC shall have the following functions: … perform such other related functions as may be necessary, including the creation of a Technical Working Group (TWG) from a pool of technical, financial, and/or legal experts to assist in the procurement process, particularly in the eligibility screening, evaluation of bids, and post-qualification. (Underscoring supplied)

Kung nangangailang ng expertise ang BAC sa alinmang bahagi ng eligibility, bid evaluation at post qualification, maari silang bumuo ng TWG subalit kailangan na magmumula lamang ito sa “pool of technical, financial, and/or legal experts”. Ibig sabihin ng “pool… of experts”(hindi po “fool of experts” ha?) ay grupo o samahan ng mga eksperto. Maaari silang magmula hindi lamang sa regular na plantilla, kundi maging sa mga casual employees at maging sa mga contractual. Subalit upang makilala kung sino-sino sila, nararapat na maunang bumuo ang Mayor ng “pool…of experts” o katumbas nito upang pagpilian at pagkuhanan ng BAC.

Kapag hindi sapat ang kakayanan o komposisyon ng “pool of experts” ng ahensya, maaaring manggaling ito sa labas subalit priority muna ang mga eksperto ng ibang ahensya ng gobyerno. Kung walang makuha, ang pag-hire ng consultants upang maging TWG ay pinapayagan subalit kailangan wala silang conflict of interest sa proyekto o items na ibi-bid.

Anu-ano ba ang trabaho ng TWG? Depende ito sa expertise ng miyembro. Halimbawa, kung hindi malinaw ang specs ng bidder at hindi pamilyar ang BAC sa mga laman ng proposals ng bidder, maaaring isang TWG (senior architect, specialty engineer, IT expert) ang makakatulong. Kung kwestiyonable naman ang financial documents ng bidder, maaaring inspeksyunin ng TWG mula sa finance (senior accountant, finance specialist) ang mga papel kasama na ang pagbusisi sa mga Financial Statements nito. Kung hindi naman malinaw ang pagiging legal ng isang kumpanya na sasali sa bidding, maaaring sa komposisyon ng kasapi nito o may kinalaman ang batas na siyang bumuo dito, isang eksperto ng batas (abogado) ang tiyak na kakailanganin.

Ang TWG ay optional. Ibig sabihin, maaaring magtuloy ang transaksyon sa BAC kahit wala nito, taliwas sa nakasanayan at interpretasyon ng marami na indispensable ang TWG. Hindi tulad ng BAC at BAC Secretariat na mandatory sang-ayon sa probisyon ng batas, ang TWG ay ad-hoc o yung per-need basis lamang. Ganun pa man, kasama ang TWG sa professionalization ng procurement units (Section 16) kung meron ang ahensya:

“The GPPB shall establish a sustained training program to develop the capability of the BACs, BAC Secretariats, TWGs, and the Procurement Units of Procuring Entities, and professionalize the same.”

Dumako naman tayo sa tanungan portion:

Q: Can an inspector from the General Services Office be a member of TWG?[mbdr]

A: I don’t see any reason why that GSO inspector cannot be a member of the TWG. He has the technical expertise, I suppose. The only possible reason why he could not be designated as a TWG member could be conflict of interest, but that is best determined by the procuring entity itself. [RDV]

Source:http://gppb.topicsolutions.net/procurement-organizations-f23/can-an-inspector-from-the-gsd-be-a-member-of-the-twg-t479.htm

 
2 Comments

Posted by on September 12, 2012 in BAC^k Issues

 

Tags: ,

2 responses to “BAC Technical Working Group (BAC-TWG)

  1. ardenia garcia

    October 4, 2016 at 6:35 pm

    I understand the qualification of BAC-TWG.May I ask if an Internal audit service head designate and at the same time staff of the accounting office is disqualified as member of the TWG?

     
    • engrjhez

      October 5, 2016 at 8:10 am

      No. The law only provided disqualification for BAC. The law does not provide disqualifications for TWG. What the law does not include, it excludes.

       

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: