RSS

Public Bidding – ang panimula

17 Sep

Madalas na nating marinig ang katagang “public bidding” at ito ay madalas na ikinakabit sa anomalya kapag ginawa sa bakuran ng gobyerno. Madalas kasi ang sabwatan ng mga kawani ng gobyerno at ng mga pribadong kumpanya para sa iisang layunin – ang magkamal ng pera. Nakakalimutan na ang unang layunin ng mga programa at proyekto dahil sa personal na interes – at nawawala na ang serbisyo publiko. Sa mga naunang diskusyon sa RA.9184, binigyang-diin ang mga salitang INTEGRITY at PROCUREMENT PROFICIENCY. Ang pagtalaga ng may katangiang ito ang siyang unang hakbang sa pagtataguyod ng tunay na reporma sa procurement.

Bago pa mapunta kung saan ang usapan, unahin natin ang kahulugan at kahalagahan ng Public Bidding. Dalawang salita, “public” at bidding”. Mula sa masa, dahil sa masa at para sa masa. Ang “bidding” ay isang epektibong paraan para makuha ang pinakamababang halaga ng bilihin o pinakamataas na antas ng serbisyo. Para saan? Para ba sa gobyerno? Isang banda, oo. Pero dahil ang gobyerno ay nagsisilbi para sa taumbayan, walang ibang dapat na higit na makinabang kundi ang taumbayan. At dahil “public” ang “bidding” ito ay dapat ginawa ng may kahusayan at higit sa lahat, ginampanan ng may integridad. Dapat ay bukas sa lahat na concerned. Sabi nga “Public bidding is a public proceeding.” at “Public office is a public trust”.

Ang public bidding ay ang pangunahing katanggap-tanggap na paraan ng pag-procure. Walang itong limitasyon sa halaga. Ibig sabihin, mula isang sentimo hanggang sa bilyong transaksyon, ito ay maaaring gamitin. Subalit kung ang pag-procure natin ay may espesyal na kondisyon kung saan ang public bidding ay maaaring padaliin o pasimplehan, may itinakda ang batas para sa Alternative Methods of Procurement. Ito ay pag-uusapan natin sa hinaharap. Samantala, atin munang himayin ang detalye ng public bidding.

Bago magsimula ang public bidding kailangang ihanda muna ang mga dokumento para sa ahensya at para sa mga balak sumali dito. Ayon sa Section 17, ihahanda ng ahensya ang “bidding documents” sang-ayon sa standard forms at manuals na inilabas ng Government Procurement Policy Board o GPPB:

17.1. The Bidding Documents shall be prepared by the procuring entity following the standard forms and manuals prescribed by the GPPB. The Bidding Documents shall include the following:

  a) Approved Budget for the Contract;

  b) Invitation to Bid/Request for Expression of Interest;

  c) Eligibility Requirements;

  d) Instructions to Bidders, including scope of bid, documents comprising the bid, criteria for eligibility, bid evaluation methodology/criteria in accordance with the Act, and post-qualification, as well as the date, time and place of the prebid conference (where applicable), submission of bids and opening of bids;

  e) Terms of Reference (TOR), for consulting services;

  f) Scope of work, where applicable;

  g) Plans/Drawings and Technical Specifications;

  h) Form of Bid, Price Form, and List of Goods or Bill of Quantities;

  i) Delivery Time or Completion Schedule;

  j) Form, Amount, and Validity Period of Bid Security;

  k) Form, Amount, and Validity of Performance Security and Warranty; and

  l) Form of Contract and General and Special Conditions of Contract.

Ang mga specifications at iba pang terminolohiya sa bidding documents ay dapat tanggapin bilang minimum sakaling hindi malinaw ang pagkapaliwanag sa bidding documents.

Ang bidding documents ay maaaring i-post sa PhilGEPS at sa website ng ahensya simula sa unang araw ng pag-anunsyo. Dapat ay bigyan ng access ang mga nagnanais sumali hanggang sa deadline na itinakda bago tuluyang buksan ang mga bid. Di tulad ng nakaraang IRR (IRR-A), maaari na ngayong bigyan ng kopya ng bidding documents ang nagnanais sumali sa electronic format subalit kailangan nilang magbayad ng bidding documents fee upang matanggap ang aktwal na dokumento at bago lubusang tanggapin ng BAC ang kanilang bid. Ang halaga ng bidding documents ay ipinauubaya sa diskresyon ng ahensya. Dapat ay sapat lamang ito para mabawi ang mga gastusin sa paghahanda ng mga dokumento at development para sa procurement.

***

Q: Should the availability of bidding documents be constrained or limited to certain periods?

A: This was partly a gray area of concerned in the IRR-Abut was already addressed categorically by Section 17.3 of the Revised IRR:

17.3. To provide prospective bidders ample time to examine the Bidding Documents and to prepare their respective bids, the concerned BAC shall make the Bidding Documents for the contract to be bid available for the following period:

a)      For the procurement of goods and infrastructure projects, from the time the Invitation to Bid is first advertised/posted until the deadline for the submission and receipt of bids.

b)      For the procurement of consulting services, eligibility documents shall be made available from the time the Request for Expression of Interest is first advertised/posted until the deadline for the eligibility check, and the Bidding Documents, from the determination of the short list until the deadline for the submission and receipt of bids.

 
Leave a comment

Posted by on September 17, 2012 in BAC^k Issues

 

Tags: ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: