RSS

Public Bidding ng Infrastructure Projects

17 Sep

Medyo kaiba ng konti sa Procurement of Goods, ang Procurement of Infrastructures ay may kinalaman sa pagbili ng materyales, na may kasamang labor at equipment sa pagpapatupad nito. Mas mabusisi ito dahil kailangan ng kasanayan o specialty ng mga engineers at iba pang technical fields. Kung may mga insidente ng sabwatan sa Goods, sinasabing mas malala ang sabwatan sa Infrastructures o Infra dahil limitado kasi ang may kakayanang malaman ang tunay na layunin at sakop ng isang proyekto. Madali para sa gustong magsamantala na magdagdag at magbawas ng nilalaman ng proyekto dahil hindi naman pamilyar ang karamihan sa titingin nito. Ngunit kung padadaanin natin sa tamang proseso, at kapag ang BAC ay may INTEGRIDAD na suriin at salain ang mga proposal, makakaasa ang mga Gobernador at Mayor na maayos ding mae-evaluate ang proyekto at mga bidder nito.

Ang pagpapatupad ng lahat ng Infrastructure Projects ay nagsisimula sa procurement. Ngunit bago pa magsimula ang procurement, marami pang dapat isaalangalang para maging epektibo at makabuluhan ang proyektong gagawin. Ayon sa Section 17.6:

“No bidding and award of contract for infrastructure projects shall be made unless the detailed engineering investigations, surveys and designs, including the acquisition of the ROW, for the project have been sufficiently carried out and duly approved in accordance with the standards and specifications prescribed by the Head of the Procuring Entity concerned or his duly authorized representative, and in accordance with the provisions of Annex “A” of this IRR.”

Isang detalyadong imbestigasyon, pagbisita sa lugar, disenyo, at pag-aaral ng lupa o lugar na pagtatayuan ng proyekto ang kailangan bago tuluyang dumako sa Public Bidding. Sa madaling salita, hindi pwede ang basta na lang tayong magpa-public bidding ng “pagsesemento ng kalsada” kahit pa alam natin ang sukat at halaga ng proyekto. Mahalaga na pinag-aralan munang mabuti ang proyekto upang mapakinabanagan ng taum-bayan. At dahil bihira sa mga umuupong gobernador at mayor ng local na pamahalaan ay may background sa engineering, madalas ay ipinauubaya na ang pag-aaral nito sa Provincial/Municipal Engineer at sa kanilang consultant kung mayroon man. Ang opisina ng lokal na inhinyeriya o Engineering Office ng probinsya, bayan o lungsod ang nangangasiwa sa lahat ng paghahanda nito sang-ayon sa Annual Investment Plan o AIP. Isang pagbubukod-tangi ang mga proyektong Design-Build Scheme kung saan ang disenyo ay magmumula na rin sa bidder:

“The exception is design and build scheme, wherein the bidders shall be allowed to submit its detailed engineering designs as part of its bid. The procedures for the procurement and contract implementation of infrastructure projects using a design and build scheme shall be in accordance with the provisions of Annex “G” of this IRR.”

Subalit ang pagpapatupad nito ay dapat lamang sa mga kakaibang sitwasyon, kung ang Engineering Office ay walang sapat na kasanayan, kakayahan, at gamit upang gawin ang mga disenyo ng proyekto, at kung mas maraming benepisyo itong maidudulot sa pamahalaan.

***

Q: What are some major changes under procurement of infrastructure projects under the Revised IRR?

A: Summarizing the major changes for Infra in the Revised IRR:

  1. From Invitation to Apply for Eligibility and to Bid (IAEB) to Invitation to Bid (IB);
  2. Eligibility check shall be done at the same time of opening of bids, and not a separate activity anymore;
  3. Prescriptive ten (10) year period where a similar contract was completed
  4. Two-envelope system; 1st envelope for eligibility and technical documents, 2nd envelope for financial components;
  5. Documentary requirements trimmed down to six (6) for Infra, but some documents still have to be submitted by the LCB during post-qualifications;
  6. Introduction of Omnibus Sworn Statement covering several affidavit and notarized statements;
  7. Registry of Suppliers/Contractors/Consultants mandatory as a basis for drawing up shortlist and/or selecting contractors under Negotiated Procurement after Two-Failed Biddings  (Sec.53.1.2.2) 
 
Leave a comment

Posted by on September 17, 2012 in BAC^k Issues

 

Tags: ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: